Muntik na!

Muntik na!

Sa kanto ng Camino kung saan bawal pumatay

Dati, may karatola sa daan na ito. Ang nakasulat:

Bawal pumatay!

unknown

Hindi ko mataandaan kung may exclamation point ba yon o wala, nilagyan ko dyan para may dating.

Bumababa ako sa lugar na iyan kanina. Pagtapak ng paa ko sa lupa, pagkatapos sumara ng automatic door ng bus ang sumunod kong ginawa ay umutot. HAHAHAHA

Ako lang ba o baka naman na-experience nyo na din ‘to? Ah, ewan basta iyan nangyari kanina. Pinigil ko iyong utot sa buong byahe kaya ang sarap sa feeling pagbaba. Muntik na… Muntik na akong ma-utot sa loob ng airconditioned bus

Hinihintay ko si Ina na susundo sa akin gamit ang tricycle. Habang wala pa siya, naupo ako sa waiting shed doon. Odd thing happened, may paru-paro na lumipad-lipad paikot-ikot sa akin. Inisip ko, sana dumapo siya sa kamay ko tutal mukhang trip nya naman ako.

cutie butterfly in my hand

At dumapo nga ang cute na butterfly! Nagamitan ko yata ng mental telepathy. Uto-uto na paru-paro ‘yon. HAHAHA Mabuti na lang naka-friendly mode ako kanina. Kundi, muntik na.. Muntik na siyang mamatay sa kamay ko. O kaya ay makulong sa bote.

Gaaano kadalas iyong pangyayari na may paru-paro na dadapo sa kamay mo?

Mariposa butterfly in the bottle

Ito iyong malaking version ng paru-paro na nahuli ko sa Tal-tal. Patay na siya ngayon pero nandoon pa din sa loob ng bote ng wampoyntpayb na coke zero.

Sabi nila spirit daw ang butterfly.. hmmm? Totoo kaya ‘yon?

Sinusundo na yata ako ni grim reaper. Cutie ang disguise niya this time. Nag-anyong paru-paro. Alam mo kung bakit ko nasabi yan? Muntik na.. muntik na kaming ma-aksidente kanina. Oopppss, pero bago ka magpanic, bilang ka ng sampu. 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1..

Ayan, okay na! Buhay pa ako tsyong, ayto nga at nagsusulat pa ng blog post. Muntik na kami masangkot sa isang tricycle crash! Narealize siguro ni grim reaper na postponed muna ang pagsundo sa akin. Nakita niya sa aking specs na wala pang boyfriend, madami pang gustong matutunan at maranasan ang batang ito. Kaya nakaiwas iyong isang tricycle. Whooo.. pero nag-skip ng ilang beats ang puso ko kanina. Kinabahan din ako ng bongga. Takot pala akong mamatay.

Saan ba kasi ako galing?

Nagpunta kaming Jollibee sa Mariveles. Namiss ko kasi, walang Chicken Joy sa Masinloc. Kasama ko si Ate at meron din kaming iba pang agenda doon kanina

Jollibee with Sister

Habang nasa byahe kanina may dalawang chess games akong nakita. Sobrang miss ko na ang paglalaro ng chess. Kahit nasa tabing daan, nakikita ko. Waaahhh.. Gusto ko sumali ng tournament, o kaya kahit friendly game lang on the board. Nakikita ko din ang mga L300 sa daan, may naalala akong particular person.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: