The forever pila

Sa ilalim ng shed, na dulo ng pila

Kung bakit nandoon kami ay malabo para sa akin. Bumangon kami ni Ate ng alasdos ng madaling araw. Umuulan ng malakas. Ipapa-cancel ko na sana ang lakad dahil siguradong mababasa ako sa byahe. Syempre dahil ako ang driver at ang sasakyan ay tricycle.

Natuloy kami, nabasa nga ako at may bonus pang putik mula sa parking area. Pumunta kami sa dulo ng pila para mag pabakuna. Ayon sa tsismis, may mga pumila simula alasdyis ng gabi. Super camping trip tsyong! Madaming beses ko nang nagawa na pumila ng madaling araw dahil sa college enrollment. [***Kaway-kaway sa mga taga-BPSU Main “Trade”, alam kong batak na tayo sa ganyan]. Kakaiba iyong feels kapag iyong kasabayan mo sa pila ay may dalang picnic stuff. Thermos, tinapay, upuan etc.. alam mo yun!? Iyong kapag trip nyo mag-breakfast by the river dadala kayo ng baon. Hahahaha unexpected! Kasi ilan sa kasabayan namin sa pila ay may mga baon na ganoon.

Forever pila muna sa entrance ng People Centre hanggang sa Jollibee highway

Kako, kapag na-survive namin ang vaccination process na ‘yon; ibig sabihin malakas kami.

Bago mag-alasotso naka pila pa din kami ni Ate Jem, whew! Hahaha

Sabi ng usher (***iyong dude na nag-guide sa mga tao para maayos ang pila) “Tandaan nyo kung sino ang nasa unahan at likuran nyo sa pila”.

Therefore, as the good girl that I am from that moment. Nag-ipon ako ng resolve para makipag-usap doon sa mga tao sa paligid. Kasi sila ang mga kakampi. Maiiwasan namin na may makasingit sa pila kung magkakikila at magkapalagayan kami ng loob.

Sa oras na 09:42 am nakapasok din kami at naka-upo sa bleachers! 🙂 #1581

Ang masakit nyan, 1500 ang quota para sa araw na yon. Lumampas ng 81, pero masyado pang maaga para sumuko. Nakipag sapalaran pa din kami. Baka sakali maunang sumuko ang iba, meron kaming pagkakataon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: