Dear Bente,
January 03, 2020
Umattend ako sa kasal ni Kuya Jimson at Ate Lulu. Kasama ko ang chess team. Ang ganda. Ang saya. Inspiring. Sa abucay parish ang church ceremony. Sa Pan Resort ang reception. Natutunan ko kung ano ang Burgundy. Alam mo ba un?? hahaha. Papunta, hinintay ako ni Kuya Eric at Kuya Vince sa BC (Balanga Campus) Dumaan kami saglit sa AMPC (Cooperative sa Abucay). Tapos from Abucay church, sumabay ako kina Coach Romz. Hahahaha konting pamasahe lang ang nagatos kakasabay sa mga friends. Nandoon din sina Char, Bea, Joy at Kurt. Masarap ang pagkain. Ang galing ng photographer. Maganda din ang sound system. Witty ang host. Nakita ko din doon si Igie. College classmate at kapwa varsity player (table tennis ang game niya). Hindi ako nagtrabaho ngayong araw. Bukas ko na gagawin ang task ko for A-mech. Hindi ako nag-jogging ngayong umaga. Bukas, maglalaba ako ng mga damit. Susulat din nga pala ako ng blog post. Magbabasa about Master Plumber at mag-work-out.
Love,
Jess
Leave a Reply