Sumusulat nga pala ako…

Ang tagal na din mula nang huli akong humarap sa laptop at ang intensyon ay magsulat ng blog post.


Napunta ako sa dimensyon na tiningnan ko ang sarili bilang manunulat ay iba sa tao na namumuhay sa earth. Alam mo un? Iyong tipo na ibang tao ako kapag nagsusulat. I can write about all of the amazing stuff on the surface. Write about beautiful musings, worthy desires, rich emotions and express ideas in the most free way. However they shatter when I am out in the reality. Na ginagawa ko lahat ng kabaliktaran ng sinulat ko. Na kapag sinulat ko na magiging mabait ako, sa mga susunod na araw “maldita” ang ganap ni ate gurl.

Photo by RODNAE Productions on Pexels.com

I had broken my own heart…

me myself i

Pero wala akong pinagkwentuhan nito tsyong, slightly, nakwento ko kay kapatid habang umiinom ng soju noong isang araw. Kaso ang tamlay kasi ng istorya to the point na, nakakahiyang ikwento. [***hahahaha] It is too cruel in my perspective. Ang pagiging maldita, nag-ba-back fire pala minsan. Na kapag sinaktan mo iyong particular na tao, mararamdan mo ang equal and opposite magnitude of pain.

Kung iisipin ko na wala naman babasa nito, siguro mas madali magkwento.

Paano ko ba sisimulan?

whew!

Ganto kasi ‘yan. Ahmm,, I am actively trying to understand how relationships and love works. Therefore I read literature about the thing. However, reading alone does not translate to wisdom unless otherwise you act with regards the knowledge you acquired. Polite term iyon para sabihin na lumandi ako. [***HAHAHA] Flirting, dating, getting to know a person for the purpose of selection. Trying to find a match, iyong pwede maging partner in crime or in all stuff under sun.

Photo by Luis Fernandes on Pexels.com

Sabi nila dati, mag-aral ka mabuti kapag nakatapos kana, kusang darating yan. Tapos ngayong nakatapos na nga; ang sabi naman ngayon, humanap ka nang magandang trabaho “establish a career”, kusang darating yan. Tanginang kusang darating yan. hahahaha Paano kung dumating nga kaso bobo ka kung paano magdala nang ganung mga pangayayari?? Paano kung dumating nga kaso hindi mo napapalaya ang sarili sa trap ng mental construct/perspectives na minana mo mula sa society, sa culture o sa uri ng media na na-aabsorb mo??

So ayun po ano, nagbagsak ako ng mga tanong. Sa isang matinong manunulat, magbibigay siya ng opinyon or insights tungkol sa tanong na nilapag. At dahil trip ko mang-inis ngayon, hahayaan ko na muna iyong mga tanong na yan. Ikaw na nakabasa, bahala ka na mag-isip ng sagot. Sa ngayon hinahanap ko pa ang sagot sa mga tanong na yan. Sana meron matinong sagot sa tanong. Okaya kahit wala nang sagot basta makakilos/mag-evolve ng akma sa ikakabuti.

O paano, dyan na muna… babalik muna ako sa pagiging maldita sa real world. HIHIHI

adventure agenda aspirations atraksyon Beginner birthday byahe coffee desires die dream dreams enjoy expression family flower friends gift goal gratitude Home kape kwento learnings letters to sisc life live love meal nature paalam pain pasasalamat patawad photo pila pilosopiya rage simula tagalog taglish tahanan tanong travel tula

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: