Lumilipad ang mga Salita

Iniiwan nila ako na nakatulala…

Aalis nanaman [HAHA]

three girls and two boys
photo taken by JP, from left Andrea, Jessica, Alpha, Gian and Jin

Pumunta kami sa Starbucks sa SM Central sa Olongapo. Nag-take-out ng kape tapos tumambay sa Boardwalk sa SBMA. Nagkwentuhan, lumanghap ng fresh air at nagtawanan. Saktong event bago ako pumunta ng South.

Nagpaalam ako sa A-Mech Engineering

October 15, 2021 nang magsabi ako sa kumpanya na aalis na ako at sumusubok na humanap ng ibang hanap buhay.

Oo, tsyong.. hanap buhay talaga. Para specific ang hinahanap. Inisip ko: ano ba ang kailangan? Trabaho? Sweldo? Kung hahanap ka ng trabaho baka makita ka ng ‘trabaho kung saan lagpak ang sweldo’ , ung tipo ng walang sense of fulfillment. Samantalang kung sweldo ang hahanapin, baka makakita ka ng ‘sweldo kung saan pagoda sa trabaho‘, ung tipo na masakit sa bangs. Oi ha! Hindi ko ibig sabihin na iyan ang dahilan ng pag-alis ko sa A-Mech. Sa ibang araw ko isusulat iyong mga rason. [Basa ka ulit sa susunod na post]

Nalulungkot ako

Alam kong madaming magbabago. May mga parte na magiging mahirap. Malamang iiyak ako. Iyakin ako ei.. Nagluluksa ako sa pag-iwan sa version ko ng 2021. Alam kong mag-iiba. Pero kung mag-iiba sana para sa ikabubuti.

Swerte! Salamat!

Nang mga panahon na akala ko wala na. Tambay na muna. Pahinga lang. Alam ko na umaasa ang mga magulang ko ng mas maganda, mas mainam, at mas kapakipakinabang na buhay para sa akin. Pero tinanggap nila ako sa bahay. Tinanggap nila ang desisyon ko. Nagpapasalamat ako sa tiwala at pag-unawa na binigay nila sa akin. Hindi ako iyong pinakamabait na anak. Iyong tipo ng buwanan may ambag na pang-grocery, may weekly budget na pamalengke o kaya basta may iaabot kahit papaano. Dalawang taon na akong nagtrabaho pero wala pa akong ambag. Sad nuh… Paano ko kaya ma-improve un?? Kaya salamat! swerte! kay Ama, Ina at Ate.

Salamat sa tiwala
Salamat sa mga kwentuhan
Salamat sa buhay
Salamat sa paggabay
Salamat sa pag-unawa
Salamat kay Ate
Salamat kay Ama
Salamat kay Ina
Salamay kay Andeng
Salamat kay Alpha
Salamat kay Jp
Salamat kay Gian
Salamat kay Jin
Salamat self

P.S.

Ang hanap ko: Life Mentor/Guide iyong mga makapagturo at gagabay para makita ko palagi ang kagandahan ng buhay.


adventure agenda aspirations atraksyon Beginner birthday byahe coffee desires die dream dreams enjoy expression family flower friends gift goal gratitude Home kape kwento learnings letters to sisc life live love meal nature paalam pain pasasalamat patawad photo pila pilosopiya rage simula tagalog taglish tahanan tanong travel tula

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: