An open letter to the person I hurt

An open letter to the person I hurt

It is a message that I want to tell you. This is the third letter that you will be receiving from me. The first letter I wrote to say sorry and to seek help as I am confused about my feelings towards you and and I am simply enjoying your presence that is why I want to keep you close. The second letter is a late birthday present. A confession and recognition of how attracted I am to you. However at that time, I am lost on how to proceed and terrified that I might hurt you in the process.

Photo by Fabiano Rodrigues on Pexels.com

Pero syempre, dahil baka maubusan ako ng English, magtatagalog/ taglish ako dito.


Ang bigat ng usap natin sa viber kagabi. Tapos hindi ka na nagrereply ngayon, kaya iiyak na lang ako at magsusulat. Mali kasi sa simula pa lang. Tinanong kita kung pwede ba ako maging “girlfriend” mo. Alam ko kasi papayag ka, dahil ramdam ko na gusto mo ako kahit hindi mo sinasabi. Kahit na hindi ko alam kung paano maging girlfriend, kinapalan ko ang mukha ko kasi akala ko iyon ang sagot sa problema.

Ang problema nung nakaraan, syempre ako pa din. Hindi ko alam kung paano mag-handle ng atensyon ng mga lalaki. Simula highschool hanggang college, suplada at maldita ako. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit wala akong naging boyfriend. Ang pinagka-iba sa trabaho: bawal ang suplada at maldita mode. Nakikipag-usap ako. Ngumingiti at tumatawa sa biruan kaharap ng mga lalaki. Sa planta pa naman, karamihan ng tao ay lalaki. Bihira iyong meron babae na maliligaw sa site. At ako iyong isa na naligaw sa site. Nakakuha ako ng atensyon mula sa madaming lalaki. Engineers, Contractors, at Guards ang mga nakaka-usap ko madalas. Normal na kwentuhan sa simula. At panay umabot sa tanong tungkol sa “boyfriend”. Kapag nalaman nila na “wala”, kukuhanin ang number, facebook at panay ang “pacute”. Tang-ina, hindi naman ako ung magandang chicks na aangat kapag nahalo sa majority ng normal na babae. Hindi ako sexy, hindi ako maputi at makinis. Ako ung babae na hindi mo bibigyan ng second look. Binibigay ko ang number, pero hindi kasama sa usapan na magrereply ako. Iyong facebook din, okay lang na malaman nila at makita nila ang profile ko, hindi rin naman kasama sa usap na magrereply ako sa chat. Ang pinaka-masakit sa bangs ay kapag madalas na ang pagpapansin. Hanep na yan! Pero mas matindi iyong may pag-aya na mag-coffee or tea sa labas. Ang isang typical at normal na babae, matutuwa kapag meron mga ganyan kaso abnormal ako ei. Kaya tinanong kita, kako “kung pwede ba ako maging girlfriend mo”. (1) Inaamin ko na natutunan ko nang magustuhan ka, sa dami ng mga nagawa natin na project sa barracks at palagi kang nandyan sa tuwing kailangan ko ng tulong (2) Ikaw iyong unang nakipag-kwentuhan sa akin, humingi ng number at sa instagram pa nga tayo nagkaka-usap nung una. (3) Alam ko na di mo ako tatangihan.

So ayun na nga. Yay! meron na akong boyfriend. Akala ko iyon ang solusyon, na kapag meron na akong boyfriend ay tatantanan na ako ng ibang mga nilalang at makakapasok ng mapayapa sa site. Whew! Isang malaking katangahan. Ang nangyari mas lalo lang lumala. Ang tanong nila ” Kayo pa ba?”, “Kailan kayo mag-break?”, “Seryoso ba yan?”. Putanginang lovelife yan. Mali ako. Hindi ang pagkakaroon ng “boyfriend” ang solusyon. Kasi ang problema hindi naman sa kanila. Sa akin po. Kasi akala ko, na sa tuwing may magbibigay sa akin ng special attention.. akala ko obligasyon ko na pasalamatan sila, at pahintuin silang lahat. Akala ko kailangan ko ibalik iyong atensyon na binibigay nila. Pwede naman pala na hayaan ko lang. Tanggapin ko lang kasi desisyon naman nila na ibigay iyong atensyon. Tapos nung nakita ko na walang epekto ung pagsasabi ko sa kanila na meron akong boyfriend.. tapos hindi ko din nagagampanan iyong role ng pagiging girlfriend kasi magkalayo tayo. Inisip ko lang na tapusin na. Ni hindi man lang kita tinanong kung kumusta ka na? Ni hindi ko inisip kung ano iyong mararamdaman mo. Basta na lang ako nag-desisyon kasi nahihirapan ako, kasi hindi ko na alam iyong gagawin. Hindi ko man lang inisip kung paano ka. Parang nawalan ng saysay iyong effort mo. Sorry. Minsan lang tayo nagtalo tapos, ayoko na. Di na ako nag-reply. Pinilit ko iyong sarili ko na hindi ka isipin. Kaso naalala ko ung bike.

Photo by Philipp M on Pexels.com

Oo, iyong bike. Ginamit ko iyong bike para maka-usap ka ulit. Kasi gusto kita ulit kumustahin. Kasi gusto ko malaman kung pwede pa. Kung may chance pa ba? Kasi alam ko gusto pa din kita. Kaya nanghihingi ako ng isa pa.. Isa pang pagkakataon, para itama iyong mali. Sana mapatawad mo ako. Hindi ko alam kung paano makakabawi. Hindi ko alam kung paano mababawasan iyong sakit na nabigay ko sa’yo. Salamat kasi tinulungan mo akong maging tao. Kasi dati wala akong pakialam sa iba, natutunan ko mula sa’yo na isipin din sila. Gusto pa din kita.

May pagkakataon pa ba?



These are some of the other posts.

Why did you eat that cookie?!

Nagkakape ako bago pumunta sa gym, nang makatanggap ng text. Kinain mo ba ung tinapay dito? -Someone Ang sagot, “Oo” Nagsisismula na akong kabahan. Alam ko na magagalit sya. Dali-dali akong pumunta sa pinakamalapit na tindahan para bumili ngโ€ฆ

Random drops

Randomness overload Walang direksyon na content… Okay lang siguro mawala paminsan-minsan. Iyong may mga panahon na hindi mo alam kung anong gagawin. Okay lang, siguro.. basta makakabalik din. Na minsan, gusto mo na lang magtagoKaysa gumawa ng paraanNa parangโ€ฆ

Habits

Ikaw ang kung anong paulit-ulit mong ginagawa

Ama

Long hair Makalipas ng halos isang buwan kong work escapades, nakauwi din ako sa bahay ng mga magulang. At inabutan ko si Ama sa ermitanyo porma ng buhok at balbas. Iyan, makikita sa picture sa itaas. โ˜๏ธ Hnmmm… opinyon,โ€ฆ

Wicked Sick!

Nawala sa daily routine ang core training at breathing exercise. No good at all.

CDO

Earthquake Wala pang ilang minuto mula nang maupo ako sa opisina, lumindol. Saglit lang. Hindi ko inaasahan. Byahe Ano ang mga posibilidad?

Loading…

Something went wrong. Please refresh the page and/or try again.

3 responses to “An open letter to the person I hurt”

  1. ๐Ÿ˜ฑ

    Liked by 1 person

    1. thanks!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: