Nagsulat ako sa maliit na notebook na may nakasulat sa cover na “small idea”. Mag-message sana ako kay Ate Jem para mag-share ng latest happenings kaso; long form writer ako at bitin ang viber para ipaliwanag ang experience kaya dito ko ikkwento.
Dear Sisc,
Hehehe, nandito ako ngayon sa McDo, nasa Alabang na ako at lahat pero sa McDo pa din ako pumupunta. Third time ko na sa lugar na ito. Una, kasama natin si Tito Obet, not sure kung iyon ba ung nagpunta tayo ng Enchanted Kingdom o ihahatid siya sa Airport. Pangalawa ay noong nag-aaply ako ng trabaho sa JGC, sinamahan ako ni Tita Marie that time. Hinatid nya ako sa office, nang matapos ang madaming exam sabi niya doon daw kami magkita. Galit na galit siya sa akin. Malapit lang kasi iyong JGC office doon, pero dahil newbie, kung saan-saan ako nakarating. Isa pang dahilan ay hindi rin ako nagtatanong. Akala ko kasi dati cool iyong hindi nagtatanong, kasi ibigsabihin alam na alam mo iyong lugar. Iyon pala, mas okay na magtanong kesa lalo kang mag mukhang tangga sa kakaikot.
Nakasuot ako ng black shoes na may takong, fitted na black pants at stripped blue long sleeve. Napaka-uncomfortable na outfit, kasi nga mag-a-apply ako noon sa trabaho. Hindi ako natanggap, kahit initial interview, wala.
Anyway, back to reality. Nag-order ako ng two pieces hotcake at coffee float. It brings back memory of college mornings with friends, specially si Andeng at Alpha. Pinahid ko iyong butter sa ibabaw ng hotcake gamit ang disposable plastic knife tapos binuhos ko din iyong syrup at hinati ko ng parang pizza. Ang sarap! Pero parang sobrang tamis para sa dila ko. Nasanay kasi ako uminom ng kape na walang asukal at creamer. Bumaba na yata ang tolerance ko sa matatamis na pagkain. Dine-in pero out, hahaha meron silang space sa labas kung saan meron mga upuan at lamesa. Puno sa loob, (1) its breakfast time (2) sarado pa ang Metro, iyong grocery/department store maraming tao na ang nag-aabang na magbukas, iyong iba nag-aalmusal sa McDo na katulad ko. Sa labas ako napwesto, may lumapit na bata at humihingi siya tubig. Wala naman akong tubig. Ang meron ay iyong yelo na natira sa ilalim ng baso ng coffee float. Iyon ang binigay ko sa bata. Tapos nang makaalis iyong bata, naisip ko “unsafe”. Paano pala kung assymptomatic carrier ako ng covid virus. Doon pa naman siya uminom sa straw na ginamit ko. Baka mahawa siya at ang buong pamilya niya. Kung ako lang naman ay walang problema, immortal ako. However on second thought mas malakas ang resistensya ng bata na ‘yon sigurado.

Pagkatapos kumain, pumunta ako sa Metro. Ang objective bumili ng re-usable facemask. Mahirap labanan ang temptation na bumili ng mga bagay na hindi kailangan. Ang daming pwedeng bilhin at madali mag-rationalize para kumbinsihin ang sarili na kailangan ‘yon kahit hindi naman talaga. Bago mag-exit sa building, nag-set ako ng Strava app para malaman kung gaano kalayo ang nalakad at ilang minuto. May bitbit na din akong headband, cloth facemask at ung facemask na ilalagay mo sa mukha for fifteen to twenty minutes as part of skin care regimen. HAHAHA Sabi ko re-usable facemask lang ang bibilhin ko, but I ended up buying some stuff that is not initially part of the plan.

Hi Mam!
Ma’am pa din ako sa perspective ng guard sa entrance ng Amaia Steps. I had my hair cut into asymmetrical pixie. Gusto ko maputol na lahat iyong rebonded na buhok at isa pa wala akong dalang suklay. I might be mistaken as a thin fragile little boy. I wonder kung anong metrics ang ginamit ni kuya guard at na-identify nya ako as “Ma’am”.

adventure agenda aspirations atraksyon Beginner birthday byahe coffee desires die dream dreams enjoy expression family flower friends gift goal gratitude Home kape kwento learnings letters to sisc life live love meal nature paalam pain pasasalamat patawad photo pila pilosopiya rage simula tagalog taglish tahanan tanong travel tula
Leave a Reply