Dear Sisc,
Kapag inisip ko na ikukwento ko sa’yo kung ano ang mga ganap dito. Na-oobliga ako na mabuhay na maayos araw-araw. Alam ko na ayaw mo ng mga “meh” na kwento.
Ngayong araw, hindi ako lumabas ng kwarto. Nadito lang ako sa 918, natulog, nagbasa, nagsulat, kumain, nag-scroll sa facebook, nag-scroll sa instagram, nag-chat, natulog ulit then repeat. HAHAHA. Kaya hayaan mo akong ikwento sa’yo iyong mga naging activity ko kahapon.

Let me tell you about yesterday. Kasama ko si Ate Kate simula umaga hanggang hapon. First activity: Naglakad kami sa DBP Village, iyong kapitbahay na subdivision. Nagkwentuhan hanggang umabot sa Molito. Dumaan kami sa “Bungalow”. Special donut daw ito dito sa South. Hindi kami nakabili (1) Sarado pa (2) Online orders lamang ang tinatanggap (3) Out of budget. Kay Mr. Park kami bumili ng tinapay para mag-almusal. A bakery owned by a Korean guy. Friend ni Ate Kate si Mr. Park. And it is located in the same building as Controtek Solutions sa Aro Building. Mr. Park lives in the the same neighborhood as mine. I have’nt met him yet. Nakilala ko din iyong isang kaibigan ni Ate Kate, si Denis. Isa siyang Safety Officer. Maybe it is an understatement to label him as ‘mere friend’ for I see something else. Siguro pwede natin ilagay sa category ng manliligaw. Well, assumptions ko lang naman ito, who knows if my observation is inaccurate.
Sinamahan ko si Ate Kate mag-photocopy ng documents. Nadaanan namin ang mga “Ate Karen”. Alam ko na kung saan pwede makabili ng abot kayang pagkain. HAHAHA. Mauubos ako sa fastfood, di pa naman ako marunong magluto, mabuti na lang at meron karinderia.
Sinama ko si Ate Kate sa 918, early lunch na take-out food mula doon sa karinderia at tinulungan ko siya mag-ayos ng appointment para sa Saliva Test ni Lola at Mama niya. It took her a while to figure out things. Doon ko na-realize na may mga activity na basic/easy para sa akin pero medyo mahirap para sa iba. Of course that is one reality of life. Na magkakaiba tayo ng level of competence depende sa gawain. Namili ako ng Daing na Bangus at kanin. Grabe, namiss ko iyong kanin! Four days na din akong hindi kumain ng kanin. Simula nang breakfast natin bago kita ihatid sa sakayan ng bus. (1) Wala ako rice cooker (2) Wala pang bigas (3) Hindi ko pa alam kung saan pwede bumili. Super thankful dahil ang guide ko dito sa south ay isang licensed professional tour/travel agency owner. Alam nya ang best food at best places.

Napatahi ko na iyong gray na shoes kay Mr. Quickie. Kako favorite shoes ko iyon at ano naman gagawin ko sa lumang sapatos kung bibili ako ng bago. Itatapon? At isa pang dahilan wala pa akong pambili ng gusto kong sapatos talaga. Choosy ang lola mo, ayaw iyong basta makabili lang. Nang hapunan, kumain kami ng Vietnamese noodles. Its good. Something new. Nag-order din ako ng calamansi juice. I feel like a good dose of vitamin C is necessary.

Kung walang magiging change of plans. Aakyat kami ng Mt. 360 sa Rizal. Makikita ko ang Dumagat Tribe. May dance performance at iinom kami ng home made coffee nila sa bamboo cup. Isn’t that exciting.
The ginger lemon tea is superb. I am thankful for this. It helps me soothe the morning allergy. Iniinom ko iyong tsaa habang nagsusulat.
Also, namili ako ng dalawang pirasong hook, 1/4 inch rod, at kurtina. Sa kadahilanang hindi ako maka-idlip sa tanghali dahil sa sobrang liwanag. Alams mo naman kung gaano ako ka-adik sa pagtulog.

Another thing! I received a badass compliment. Sabi ni Ate Kate, busy daw siya, pero okay sa kanya na mag-spend ng freetime kasama ako dahil relaxed daw siya in my presence. Well, I think that is cool. To have somebody felt relaxed around you. Would you agree with that?
About some conflicts. Nah! I won’t tell you that in here. Its better discussed in private.
Sincerely,
Your sister
South from you
adventure agenda aspirations byahe desires dream dreams enjoy expression family friends goal gratitude Home kape kwento life live love nature paalam pain photo pilosopiya simula tagalog taglish tahanan tanong tula
Leave a Reply