Sa kadahilanang didiskubrehin ko pa lang, ang family picture namin ay isang epic shot.


Minsan, okay lang uminom kahit walang espesyal na dahilan. Sabihin natin na post birthday celebration iyan. Isama na din natin iyong pagpirma ko sa kontrata sa bagong kumpanya.
Literal na epic shot
Mas mabuti na sa bahay unang matikman ang beer or brandy or kung ano man ang trip nyong inumin na may certain percentage of alcohol content. Iyong nanay ko, umiinom yan sya talaga. Emperador pa nga ang trip nya. Si Tatay ko, naku.. napilit ko lang yan kaya naupo siya at uminom at kumain ng pulutan. Gusto nya daw kami makaharap ni Ate Jem. Okay naman. Naisip ko lang habang kinukha ang selfie na yan… Unang picture ‘to na magkakasama kaming apat. Walang director of photography. Proper lights, good outfit at pulbos with matching lipstick. Raw shot. That is us. My little family. And I am proud of us!
adventure agenda aspirations atraksyon Beginner birthday byahe coffee desires die dream dreams enjoy expression family flower friends gift goal gratitude Home kape kwento learnings letters to sisc life live love meal nature paalam pain pasasalamat patawad photo pila pilosopiya rage simula tagalog taglish tahanan tanong travel tula
Leave a Reply