An anomaly @home


Minsan.. Ah hindi, madalas pala. Pakiramdam ko isa akong anomalya sa bahay ng mga magulang ko.

Second year highschool nang lumipat ako sa bahay ni Lola sa baryo. Fifth year college na nang mag desisyon akong bumalik sa bukid, sa bahay ni Ama at Ina. Bungga pa iyon ng katigasan ng ulo. Nakwento ko na ‘to sa unang blog. Kayalang nagdesisyon ako na ihinto muna ang premium subscription sa domain at hosting platform. Ayto, magkkwento nanaman ako.

Natira na din ako sa Olongapo ng ilang buwan. Ilang buwan sa Zambales. Ilang buwan sa Muntinlupa. Tapos ngayon dito ulit sa bahay ni Ama at Ina.

Madaming nang nagbago. Pero syempre ang nanatili ay iyong araw-araw na sigawan ng mag-asawa. Whew!

Susi?

Nang umuwi ako. Isa na akong anomalya. Halos hindi ko na sila kilala. Kailangan ng ibayong pakikisama. Nag-iba na kami. Si Ama, Si Ina at Si Ate. O ako ang nag-iba? Ah ewan! Pero ang mabuti dito. Masarap pa din ang simoy ng hangin. Maganda ang tanawin paglabas ng bahay. Nakakatuwang pakinggan ang awit ng mga ibon. Madaming bagay ang mabuti. Salamat! Maraming salamat! At sa kabila ng mga kakulangan. Tanggap nila.. Tanggap namin ang isa’t-isa. Minsan naiisip ko Martyr silang dalawa. Si Ama at Ina.. Hahaha ewan talaga. Mahal ko sila.

Napadpad ako sa mundo ng “self-help”, psychology.. etc kako gusto kong tulungan silang magbago. Kako mag-aaral ako kung paano ba maka-impluwensya ng ibnag tao. Binalak ko pa maging “marriage counselor” ng mga magulang ko. Kaso sa kaaral at kababasa. Natunan ko, na ako pala dapat ang magbago. Iyong perspective ko. Iyong pananaw ko sa kung anong meron sila. Oo, malinaw. Sira ang modelo na pinakita nila sa akin. Mahina. Marupok. Mapanira. Pero tooto nga ba? Iyon lang ba ang paliwanag? Iyon lang ba ang pwedeng matutunan.

Magtatanong lang kahit wala pang sagot.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: