The beginning
Nabuo ang ideya na ito matapos akong matanggal sa trabaho. Oo, tsyong natangal ako, “terminated” bunga ng halo-halong dahilan. (May yelo, gatas, minatamis na saging, beans, leche flan, mais, asukal , pinipig, etc…) Interpersonal skill at emotional intelligence. Bobo ako sa mga bagay na ‘yan. Ang mabuti dito, natutunan ko kung anong bahagi ng pagkatao ang dapat paunlarin.

Tao; pakikisama
Simulan natin sa point of view ng walang alam. Doon tayo palagi magsisimula. Sa hangarin na matuto. Kanino pinaka mabuting matuto? Sa sariling karanasan at sa mga tao na may malawak na karanasan patungkol sa mga bagay nais matutunan.
Paano makikisama?
Nobody

Wood Works
Nagsimula ang interes ko sa mga kahoy sa unang trabaho. A-mech Engineering Services and Trading. Ang unang naging project ay laptop stand. Hangang sa nasundan ng mga shelves, lamesa at bintana. Hindi iyon ang linya ng trabaho. Nagkataon lang swerte at may mga ganoon na side projects.

Mechanical Engineering
Syempre dahil ilang taon ko din pinaglaban bilang kolehiyo ang pagiging Mechanical Engineer, mabuti din naman na pagkwentuhan natin dito. (bobo tip; dalawang beses akong bumagsak ng board exam; sa third take ako naka-tyamba)

Chess
Ito ang first love ko. Bumabangon ako para maglaro ng chess. Simula elementarya hanggang kolehiyo. Pumapasok ako sa eskwela para maging varsity player. Una, dahil noong panahon na estudyante ako, retain ang grades ng mga athletes. Gagalingan mo lang ang momentum sa first quarter at madadala mo na ito hanggang last quarter. Iyon ang simpleng motivation ko kung bakit ako naglalaro dati.

Poetry
Escape mechanism. Kapag pakiramdam ko sobra na, nilalabas ko ang mga emosyon sa pamamagitan ng pagsulat. Mga salita na nagpupumiglas lumaya mula sa di masupil na ulirat.

Research
Bilang gamot ng mapagtanong na isipan. Umaasang makapagbibigay solusyon sa mga suliraning nakikita

Libro
Pinto patungo sa ibang dimensyon. Minsan parang software for installment sa utak.
Leave a Reply