Dear Bente,
Alam mo ba, Nag-aalala ako sayo. Ang nipis mo kasi. Kaunti ang pages. Baka maubos ang pages bago matapos ang taon. May mga araw kasi na sinisipag ako magsulat kaya umaabot ng tatlo hangang apat na page ang entry. Iniisip ko din na gawing merge ang job notes at self notes. Para isang notebook lang ang gagamitin.
Ngayong umaga, nag-jogging ako habang nakikinig sa podcast ni Jay Shetty, Vishen Lakhiani at The Minimalist. May mga bagong tano na naglalakad sa Camahile kanina. Ang topic ng podcast ni Jay Shetty ay about when to slow down. Kay Vishen ay tungkol sa journal writing. Tapos sa minimalist ay tungkol sa community.
Ngayong umaga din habang nagpapakulo ng tubig pang kape; nagwawalis din ako dito sa loob. Kumulo ng very slight ang dugo ko. Dahil habang nagwawalis ako, pumasok si Ama at take note of this! Nakasuot sya ng bota.. iyong bota na may putik. Hello, nagwawalis po ako. Gusto ko siyang bulyawan, sumigaw at magalit. Kasi pakiramdam ko walang halaga para sa kanya ang paglilinis ng bahay. Whoooo!! Good thing naalala ko ang sinabi ni Jay “Slow down”. So I did. Huminga muna ako ng malalim, mga tatlong beses. Tapos nag-shift ako ng perspective. Siguradong meron ibang dahilan si Ama kung bakit pinasok nya ang bota. Dapat akong magpasensya at umintindi. Sa totoo lang, gusto ko talaga sumigaw. Hahahahaha. Kaya nagsusulat ako ngayon, dahil ito ang relief valve ko. Because when the pressure is too much you need to release the excess.
May pasok na sa Mitsumi si Ate Jem.
Iniisip ko ang ballpen. Madalas kasi na nagb-blot ang mga ballpen ko. Namili ako ng pen. Iyong normal pen. No gel. Kasi kapag gel pen bumabakat sa likod ng papel. Paano ba iingatan ang ballpen para maabot nito ang maximum potential?
Do this slowly
- Big Decissions
- Give away trust
- Judge someone’s character
- Eat your food
- Think you know someone
- 50 hours – casual friends
- 90 hours – real friends
- 200 hours – real close friends
Time check:
11:55 am
Accomplished – Laundry and Lunch
Love,
Jessā¤
Leave a Reply