And I thought…

Nang akalain kong kakaiba ako, mali pala


Merong mas weird kesa akin. Mas awkward o mas kakaiba kumpara sa akin.

Masaya ka po?

Tinanong ko sya habang awkward niyang tinutusok ng tinidor ang burger.

Paano mo malalaman kung masaya ka?

no one

Dapat matuto ka makuntento, ika nya. Bumagsak ung pangga ko nang mga ilang segundo tapos sinalo ko ng palad ang baba para umikom ang bibig; bago nya pa mahalata na medyo di ko naintindihan kung bakit iyon ang sagot.

Hindi “mother’s day” ngayon pero ang tsismis ko ngayon ay tungkol sa Nanay ko na nagsilang sa akin. Oo, madami akong tinuturing na Nanay bukod sa kanya. Nasa iba’t ibang bahay sila sa iba’t-ibang time line ng buhay ko. Si Ina, siya iyong pinaka-kakaiba sa lahat. Palawan ang home town niya. Simula nang sumama siya kay Ama papuntang Bataan di na siya bumalik sa bahay ng mga magulang niya. Buong akala ko normal na life event iyong kapag kinasal ang isang babae, di na sya babalik sa mga magulang.

Mother

Inaya ko siya pumunta sa Balanga kanina. Kailangan ko ng mother’s instinct. hahaha ewan kung kailangan nga ba iyon sa pagpili ng office clothes. Oo, siguro..kailangan ko ng second opinion kapag nasukat ko na at natinggnan sa salamin ang damit. Kailangan ko ng outside critic para magsabi kung bagay ba o hindi. Nasa proseso ako ng pag-upgrade ng wardrobe. Iyong tipo na makakarating sa Narnia. [***joke yan ha! incase di mo napanuod or nabasa ang chronicles of narnia]

Napilitan siyang lumabas ng lungga. Kung di ko siya yayain, hindi siya umaalis sa bukid. Napagod siya sa kakaikot namin sa mga pasilyo ng ukay-ukay. Inaya ko din siya magkape. Kape – isa sa mga substance na maykakayanang buhayin ang natutulog kong psychologist mode, char! hahahaha Tinanong ko siya mga bagay-bagay. About life, dating, job, faith etc… Sa dulo ng kwento napagtanto ko na isa akong maswerteng nilalang. Dahil mayroon akong Ina, na may tiwala sa lahat ng desisyon ko sa buhay.

Fambam

Shot na priiiii

Kung pagiging kuntento lang ang pag-uusapan, panalo siya doon. Aaminin ko, madami akong hindi nagugustuhan lalo na sa role niya bilang asawa. Nauwi na ako sa pagbabasa ng The 7 Essential Elements of Irresistible Women. Hindi ko pa din naintindihan sa totoo lang. Pero may natandaan akong isang mabuting bagay;

Never stop doing what makes you feel alive.

no one

adventure agenda aspirations atraksyon Beginner birthday byahe coffee desires die dream dreams enjoy expression family flower friends gift goal gratitude Home kape kwento learnings letters to sisc life live love meal nature paalam pain pasasalamat patawad photo pila pilosopiya rage simula tagalog taglish tahanan tanong travel tula

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: