Safety in the workplace

written by: Ceasar S. Montesclaros Jr.

Risk Assessment Control

HIRAC – Hazard Identification Risk Assessment Control

Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman upang makita ang panganib na isang lugar. Makapagbigay ng aksyon upang maiwasan ang nasabing panganib. Gumamit ng proteksyon o pananggalang. PPE (Personal Protective Equipment)

Machine Safety

Electrical Safety

Chemical Safety

Safe Equipment Isolation and Return to Service (LOTO)

Ito ang pamamaraan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga manggagawa sa mga lugar na may mataas na antas ng posibilidad sa aksidente. Sinisiguro ng proseso na ito ito na hindi mapapa-andar ang isang makina habang may gumagawa.

Confined Space Safety

Pag-iingat sa mga gawain sa loob ng lugar na may isang lagusan. Sa lugar na maaring makulong o maipit ang manggagawa. Nangangailangan ng sapat na pagsasanay at malinaw na komunikasyon mula sa lahat ng miyembro ng grupo. Mariing pagpapatupad ng permit system. Pagtatalaga ng isang tao na ang tanging gagawin ay bantayan ang paglabas at pagpasok sa confined space. Siya ang nakaka-alam ng kung ilang oras nang nanantili sa loob ang manggagagwa. Ilan ang manggagawa. Siya ay ang “attendant”.

Hot work Safety

Pag-iingat sa mga gawaing maaring pagmulan ng sunog. Halimbawa ay ang welding o cutting. Pagpapatupad ng Hot work Permit.

Work at Heights Procedure

Four feet in general industry workplaces, five feet in shipyards, six feet in the construction industry

Control of Excavations

Permit to Work System

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala si Sir Ceasar sa 70th Natcon, kung saan ko unang nakita ang libro. Isang magangandang pagpapaliwanag ang nasaksihan ko sa Zoom presentation. [***nosebleed beshie, usually taglish ang sulat ko, so sa part na ito ay hayaan mo na akong magpakatotoo hahaha]

So ayun nga po ano… nagustuhan ko ang libro at first sight. Kaya nang makita ko na may dalang sample si Sir Ceasar sa Face to face NatCon, kinuha ko na ang chance para makabili. Nalimutan ko pa nga kunin ung authograph niya. Hmmm, I guess we will meet again. Ang kwento pa nga noong araw na iyon, may mga sample ng books na nabasa. Ibebenta daw at half-price. Tempted ako na bilihin iyong half price, tutal papatuyuin tapos pareho pa din naman ang nakasulat. But… on second thought, mas maganda makuha ung best version ng libro. Ung makinis, no creseas at the spine, no folds, mabango at malutong na pages.


About the content. It is very informative and necessary for these challenging times. Bilang isang babae na nakapag-trabaho sa power, oil and gas industry, may firsthand experience ako sa mga nilalaman ng “Safety in the workplace”. Madali maka-relate sa concepts. I wish I had the book when I was assigned to a major turn-around maintenance activity back in the heat of the pandemic. Noong mga panahon na iyon, wala akong idea sa safety. Pero, napunta sa mga kamay ko ang responsibilidad na mag papirma ng PWT. Sumulat ng Job hazard analyis, hot work permit, confined space safety permit… etc. Iba ung pakiramdam ng pipirama ka sa ganoong mga dokumento. Iyong pakiramdam na responsibilidad mo ang mga mangagawa. It is a book I recommend for the lead people, for the managers, for the supervisors. Bakit kamo? Kasi iyong karamihan sa mga Safety Officers natin alam na nila ang laman nito. Also, a good thing as refresher syempre. Pero para sa mga Lead personnel ng projects na kaunti pa lang ang background with regards to safety… Makakatulong ito upang buksan ang kanilang isipan sa kung ano ba ang responsibilidad ng isang safety man. Ito iyong tipo ng libro na hindi papa-alikabukan pagkabasa. Dahil babalikan mo siya bilang reminder. Tuwing bago magsimula ng project. Tuwing naghahanda sa Work at Heights. Bago papasok sa Confined Space. Etc…. I hope this will lead you to put safety on top of your mind always.

Safety in the workplace

Kung interesado kayo na magkaroon ng copy ng libro. Meron po, google from kung saan pwede tayo maka-connect directly to the Author. Simply tap the button below โฌ‡.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: