Year end

Workplaces

January to May 2022 at Controtek Solutions Inc

Unemployed ng June

July to Present at SEMEQ

Pursuit

Munggo

Places

Las Pinas, Muntinlupa, Batangas, Zambales, Laguna, Pasay, Novaliches, San Fernando, Bataan

People

Ang dami… sobrang daming bagong mga kakilala

Salamat

Minsan akala ko anlayo pa, pero malayo na din pala

Maraming natutunan ngayong taon.

Kakaiba ang mga twist at turns of events. Ito ung blog na ginawa bilang rant medium ng author na itatago natin sa pangalang “bobo”.


Yes, mem! May ganyan talaga na pa-code name kunyari. Pero kung nakabasa ka na dati ng mga sinulat ko, palagay ko naman ay kilala mo na ako. Kung hindi… edi hindi. hahahaha

May mga mabubuting ganap ngayong tao, meron din namang nakaka-badtrip lang talaga na hindi maintindihan.

From being terminated from a job then having dilemma in choosing the next to feeling like an impostor amongst the expert. Then to meeting a stranger whom I thought I really like but separating ways eventually. Further meeting dudes and trying to figure out who or what qualities do I desire to a man who is a potential partner. Next is working with people whose age and experiences are twice of mine. Until finding myself in a place where I do not understand the language.

Kung paka-iisipin, parang nagsimula ang greatest turn of the year ng mabigyan ako ng same day notice of last day sa trabaho. On the surface, tapang-tapangan ang lola mo. Kunyari okay lang, tutal gusto ko na din naman mag-resign. Pero sa loob-loob natupi ang pride ko nang sabihan akong underperformer at mabigyan ng rating na mababa. Oo, tsyong, iniyakan ko yun. Pero dahil natapat ang termination notice sa paggawa ng presentation para sa NatCon, pinarada ko muna saglit ang emosyon at inabala ang sarili sa paggawa ng power point tungkol sa munggo.


Nandito ako sa point of reflection na sasabihin kong… ahhh kaya pala nangyari ang mga bagay-bagay na nakaka-bD3p that time.. kasi may ganitong next twist of events.

no One

Minsan, may nagsabi sa akin na ang boring daw ng buhay ko. I beg to disagree.

This year has been an amazing, wonderful year.


Letting go

Meron akong isang mabigat-bigat ng baggage na gustong bitawan. Iiwan na sa 2022 ung mga resentments. Papatawarin ang sarili dahil sa patuloy ng pinanghahawakan ang mga bagabag na dati pa dapat pinadaloy sa agos ng buhay.

Salamat ulit

Salamat sa teknolohiya. Sapagkat na kakapag-usap kahit sa magkalayong lugar. 
Salamat sa mga kaalaman. Sapagkat lalo itong lumalago at yumayabong
Salamat sa mabuting pahinga. Sapagkat nakabawi ng lakas
Salamat sa mga magulang. Sapagkat ako'y isinilang
Salamat kay Ate. Sapagkat may di-mabilang na impluwensya
Salamat sa mga pagsubok. Sapagkat ito ang nagpatatag
Salamat sa mga bagong kakilala. Sapagkat pinalawak ninyo ang mundo
Salamat sa kabuhayan. Sapagkat may kahulugan ang mga araw
Salamat sa lumikha. Sapagkat nagdulot SIYA ng ligaya
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: