On leave
Hindi ako pumasok ngayon. Sa kadahilanang nilalagnat, sinisipon at inuubo ako. Naulalan ako sa Cagayan de Oro last week, nainitan mabuti sa waiting area ng Lagundingan airport tapos nalamigan mabuti sa eroplano. Nadagdagan ng dalawang kilo ang timbang ko, pero pakiramdam ko humina ako. Nawala sa daily routine ang core training at breathing exercise. No good at all.
World Engineering Day
Nitong nakaraang araw, first Saturday of the month. Pumunta ako sa isang event at may mga bagong nakilala. Very interesting event with very interesting people. Dito nakita ko na may mga mahuhusay na Pilipino. Na may posibilibidad ng pag-unlad nang hindi ka umaalis ng bansa. I am not a patriot, though medyo idol si Rizal ng very slight, alam kong magaglit siya sa akin dahil hindi ako makasulat ng direchong tagalog. Balik sa event, doon may mga mahuhusay na Pilipino. May mga Pilipino na negosyante. May mga investor. May mga inventor. At may mga grupo na sumusupota sa kasamahan. Nakakabuhay ng pag-asa kung iisipin na kaya natin dito sa Pilipinas.
From Misamis Oriental and Back
Kakaibang karansan na mapunta sa isang lugar na iba ang salita. May ilang segundong nahuhuli at natutulala muna ako sa kausap, tapos nga-nga ng konti, sabay amin, “tagalog lang po, pasensya na paki-ulit po ang sinabi nyo”. Trabaho ang ipinunta doon kaya nag-trabaho nga. Magandang makabalik para gumala naman.
Fork road
May tatlong pamimilian
- mananatili
- bagong trabaho sa probinsya
- bagong trabaho sa Maynila
Leave a Reply