Habits

Atomic Habits

Ilang buwan na rin ng binili ko ang libro na Atomic Habits ni James Clear. Sinimulan ko sa pagbabasa ng libro na ito tuwing hapon. Wala pa naman gaanong nagbabago sa akin. Hinihintay ko kung anong mangyayari.

Nitong Mahal na Araw

Umuwi ako sa bahay ng mga magulang. Isang habit sa panahon na ito ang manood ng Prusisyon. Pero nag-alangan ako ng madaming beses. Una akala ko, walang makakasama manood. Pangalawa nakaka-enganyong gawain ang mahiga sa kwarto at manood ng Avatar. Pero nahatak ko din ang sarili palabas. May dalawang pinsan at Tita rin na nakasama sa pakikipagsiksikan sa mga tao habang tinatanaw ang magagarang ayos ng mga poon.

Habits audit

Mabuti daw na tinitingnan natin ang mga pang-araw-araw nating ginagawa, sabi doon sa nabasa ko. Para malaman kung anong mga pagkilos ang nakakabuti na dapat panatilihin. At kung ano ang mga dapat nang itigil.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: