Isinulat noong ika-Dalawamput isa ng Nobyembre taong Dalawang libo labing apat.November 21, 2014

Friday

Natuloy ang seminar. Ala-una ng tanghali, umalis ako ng bahay. Maraming highschool students sa jeep. Nakasuot sila ng P.E. uniform. Ako sibilyan muna, walang pasok sa BPSU. Tatlumpung minuto ang viaje. Maaga akong nakarating sa Center Plaza Mall. Palabas sa sine ang “Mocking Jay”. Parang mas maganda manuod ng sine kesa pumunta sa Seminar.

Ang tema ng seminar:

“College Jungle, 10 tips for survival”

Take away: Aim for the stars.


Intensive Training

Magsisimula na ang quartering sa isang linggo. Intensive training for SCUAA games. Sa November 30, may tournament sa Pampanga. Eto nanaman ako, susugod sa gyera ng kulang sa sandata. May ilang araw pa naman. Makakapaghanda pa.

To Do’s

  • Power Point presentation sa Filipino
  • Mag-advance reading sa Rizal
  • Solve chess puzzles
  • Advance Study sa Calculus
  • Physics and Fluid Mechanics quiz
  • EDRW plates
  • Report sa English

Goodluck self!

be Ordinary; but Original

, , , ,

Leave a comment

Previous Post
Next Post

Discover more from Dapat Bobo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading