Sa pagitan ng balat na tatawagin kong tahanan

Bahay

Mahigit kumulang isang buwan na din nang huli akong umuwi sa bahay ni Ama at Ina. Ngayon ko na lang muli nadinig ang araw-araw nilang bangayan. Natuwa akong makita ang mga alagang pusa at ang mga bulaklak. Malaki na din ang ipinagbago ng lugar. Pinapabago ang bahay ngayon. (Under renovation) Madaming kalat. Kung saan-saan nakasiksik ang mga gamit. Magkakapatong, maalikabok at masikip ang daan.

Naranasan mo na ba iyong pakiramdam na nasa bahay ka pero nawawala ka?

Madalas mangyari ito sa akin. Hindi ko alam kung paano lulugar sa bahay nina Ama at Ina. Oo, dapat sana tawagin ko din itong bahay namin tutal anak nila ako. Nangyari lamang na sa ibat-ibang bahay ako namalagi mula ng pagkabata. Siyam na taon din akong namalagi dito, simula kinder hanggang makapagtapos ng second year highschool. Kinuha ako nila Tita bago mag third year highschool. Hanggang magkolehiyo nakisama ako sa mga Tiyahin. Inabot rin ng hanggang fourth year college, bago mag fifth year bumalik ako dito.

Lumaki, ah hindi.. mali, tumanda.. oo, tumanda lang dahil hindi naman ako lumaki. Tumanda ako nang madaming nakakasalamuha. Ibat-ibang bahay ang napuntahan at natulugan. Kaya iniisip ko ngayon kung saan nga ba ang aking tahanan.

Pinili kong maging tahanan ang aking katawan. Na dapat ko itong alagaan at ingatan. Walang ibang magsisinop kundi ako din dahil ako din naman ang makikinabang.

Ikaw, kumusta sa iyong tahanan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: