Aalis o Mananatili?

Pangatlong post ko na ‘to pero hindi pa ako nagpapakilala. Huwag na lang yata? Kaya nga ‘No one’ ang ginamit kong pen name, parang ang cool kasi ng dating. Hahaha! Check mo itong link: for more information.

Aalis o Mananatili

Iniisip ko kung aalis o mananatili. Madami kasi akong pwedeng gawin kahit saan, pero kailangan kong pumili.

Galing ako sa Zambales. Madaming bagong nakilala. Nakapunta sa mga bagong lugar. May mga bagong skill at karanasan. Nasa Bataan ako ngayon at nagmumuni-muni kung aalis ba o hindi.


Noong isang araw habang umiinom ng kape sa ilalim ng puno ng kaimito naka kwentuhan ko si Ama. (Sayang, hindi siya umiinom ng beer) Nabanggit ko sa kanya ang mga experience ko sa Masinloc. Madami kaming ginagawa doon.

  • Wood works
  • Metal works
  • Office works
  • Site Visits
  • Kung ano-anong creative stuff
  • Engine restoration
Window

Pinaka curious thing para sa akin ang engine restoration/modification. Hindi ako actively involved, pero pinak-astig ung ultrasonic washing machine! Hahahaha (syempre hindi yan un actual na pangalan ng device) Ang working principle: ginagamit ang sound waves para maglinins ng impurity sa metals. Nakwento ko kay Ama, sabi ko interesado din ako magbukas ng engine para matutunan kung anong meron sa loob. Syempre lumang engine ang bubuksan. Iyong motor na phased out na o kaya iyong motor na binebenta ng may ari dahil short sa cash. At iyon, in two days time meron na siyang nahanap. Ang bilis, kaya parang gusto kong manatili. I am so looking forward to that engine.

Sa kabilang banda, madami akong naiwan na activity sa Zambales. May ginagawa kaming canopy para sa bintana. Frame pa lang at madami pang kulang. Naiwan ko din ang charger ng laptop. Naiwan ko ang physical journal. Naiwan ko iyong bike doon. Whew!

Ano sa tingin mo, aalis o mananatili?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: