
Old soul
Minsan napadpad ang research ko sa ideya ng old soul. Hindi ko akalain na mapupunta din ako sa circle of people older than self.
May nakilala akong mga bagong kaibigan sa ilalim ng puno ng agoho na sinasandalan ng bike. Cirle of Titas carrying Ejanda surname. Bago sila dumating matahimik kong minamasdan ang ilog. Nagmumuni kung ano ang gagawin ko sa susunod na mga oras. Coding: short visual basic codes para sa microsoft access database. Iniisip ko kung kakayanin. Nagdududa sa sariling kakayanan kaya kailangan kong lumabas at gumalaw galaw para makapag-isip ng malalimlalim at malinaw.

Sa sandaling kwentuhan nang malaman nila na wala akong boyfriend. Parang naging automatic mission nila ang ihanap ako ng match. ***smh*** May mga ipapakilala daw sila sa akin. Mga pamangkin at anak nila. Natawa na lang ako.
Life requirement ba sa edad na bainte tres ang magkaroon ng jowa? Hmmmm
Medyo nakaramdam ako ng pressure. Minsan gusto kong maniwala na society proof ako. Na hindi ako apektado ng societal norms. I hate to admit this but now I can feel the pull. Na parang kailangan ko na nga jowa para tantanan ako ng mga Tita sa pagpapakilala sa mga potential boyfriend. O kaya pwede din naman na enjoy ko ang proseso ng pakikipagkilala.
Pero nag aalala ako. Hay ewan. Kasi ano bang gagawin dapat kapag recognized mo na attracted ka sa isang tao? Kapag ramdam mo na ang changes ng chemicals at hormones sa katawan mo? Hmmm.. Enlighthen me please.
Hindi ko alam ang rules sa game of attraction. What do I do?
Leave a Reply